Pag ako nag “I LOVE YOU” tandaan mo..Hindi ako matatahimik hangga’t walang “I LOVE YOU TOO” at kung mapagod man akong mahalin ka.,MAGPAPAHINGA LANG AKO SANDALI tapos MAMAHALIN NA ULIT KITA.
(Source: youjizelle)
Kung hindi ako gagawa ng kalokohan ngayon, wala akong tatawanan pag tumanda ako.
(Source: youjizelle)
Ayoko na ma-attach sa tumblr nang sobra katulad ng dati, yung tipong sumasama loob ko sa tuwing may unfollower or walang pumapansin sakin. haha nitong mga nakaraang linggo, napag-isip isip ko na halos karamihan ng kinakausap at iniintindi ko e puro tumblr people na pala. ka-TA, ka-facebook tapos katext pa. alam mo yun! Nung nag-stay ako samin nang matagal, napatunayan ko na mabubuhay pala ko nang masaya kahit walang internet. mas naging close ako sa ibang kamag-anak namin, lumalabas ako na kasama yung mga tunay kong kaibigan sa labas ng internet.
Para san ba to? wala! nabubwisit lang ako dahil nandito ko sa QC ngayon at hindi ako maka-alis dahil mukhang uulan at ayaw nila ako pauwiin. May lakad kasi ako mamaya so hindi na matutuloy diba tapos yung mga mahal ko dito, hindi na ko naaalala.
(Source: youjizelle)
Minsan kasi bigyan mo naman ako ng clue kung ano ‘yang iniisip mo. Hindi naman habang buhay na papakiramdaman lang kita. Baka naman kasi hindi tumugma yung aksyon ko sa’yo at ‘pag wala akong ginawa isipin mo binabalewala kita. TIWALA LANG!
(Source: youjizelle)
Yung putanginang pakiramdam na inaantok ka na pero ‘di mo pa din maiwan ang tumblr.
(Source: youjizelle)
Sabi nila, bakit daw ako yung madalas iniiwan..ngumiti nalang ako at sumagot “hangga’t kasi kaya ko, lumalaban ako” yun bang sasagipin ko pa din ang relasyon kahit sa napaka-imposibleng sistema. Kaya nga madalas “chicks” ang tawag ko sa nagiging boyfriend ko. Ewan ko ba! bakit kasi lalake lang ang pwede manligaw. Hindi man ganun kalaki ang katawan ko, matatag naman ako at proud ako sa puso ko, akalain mong tumitibok pa din.
(Source: youjizelle)
“Wala akong katext” - Hindi nagtetext yung taong gusto ko katext kaya hindi ako nagrereply sa ibang text messages na natatanggap ko.
(Source: youjizelle)